Calendar
Source: DOH FB
Sakit sa puso pangunahing sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino
AYON sa Field Health Service Information System (FHSIS) ng Department of Health, 36% o isa sa tatlong Pilipino ang may sakit sa puso noong 2024. Sa nakalipas na limang taon, ito pa rin ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino (PSA, 2024).
Kadalasan, sanhi ito ng Coronary Artery Disease, na nangyayari kapag nagbabara ang mga ugat ng puso dahil sa naipong kolesterol o taba.
Karamihan sa mga risk factor ng Coronary Artery Disease ay modifiable o maaaring baguhin, kaya nararapat itong aksyunan bago pa mauwi sa heart attack o atake sa puso.
DOH: ALAMIN ANG SINTOMAS NG HEART ATTACk
Patuloy na nangunguna ang sakit sa puso bilang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino (PSA, 2024). Ang atake sa puso o heart attack ay pwedeng mangyari kahit kanino, kahit saan, at kahit kailan.
Mahalagang malaman ang mga sintomas nito dahil ang tamang aksyon ay makapagliligtas ng buhay.
Pakinggan ang iyong puso.
Isang paalala mula sa DOH ngayong #PhilippineHeartMonth
