Loren

Senado kumatig sa pagbuo ng PCBPF

245 Views

SINUSUGAN ng Senado ang Senate Concurrent Resolution No. 3 matapos sponsoran ni Sen. Loren Legarda ang panukalang muling bubuo sa Philippine Congress-Bangsamoro Parliament Forum (PCBPF), na nilikha sa ilalim ng Bangsamoro Organic Law.

Ayon kay Legarda, mahalaga ang PCBPF bilang espasyo kung saan maaaring “i-discuss ang mga issues, align policies at pass laws that support peace and development in Mindanao.”

Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ng senadora na nananatili sa transition ang BARMM pitong taon matapos maipasa ang Bangsamoro Organic Law.

Binigyang-diin niyang ang dapat sanang halalan nitong Oktubre ay muling naantala matapos ipasya ng Korte Suprema na kailangan munang magkaroon ng bagong districting law bago isagawa ang halalan nang hindi lalampas sa Marso 31, 2026.

Ikinuwento rin ni Legarda ang naging pagpupulong nila sa mga miyembro ng Bangsamoro Parliament kasama si Speaker Yacob.

Aniya, target nilang idaos ang halalan “very soon, hopefully right after Ramadan.”

Dagdag niya, mahalagang palakasin ang koordinasyon upang maresolba ang mga usapin sa rescheduling ng halalan at iba pang kaugnay na legislative concerns.

Pinuri rin niya ang suporta ng mga senador sa panukala.