Troso

Lalaki timbog sa ilegal na bentahan ng kahoy

Bernard Galang Nov 14, 2025
302 Views

LUPAO, Nueva Ecija–Arestado ang 66-anyos na lalaki noong Nib 13 ng mga miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) dahil sa ilegal na pagbebenta ng mga kahoy at pagtotroso.

Naganap ang operasyon sa Brgy. Agupalo Weste sa ilalim ng Oplan Kalikasan.

Kinilala ang suspek na si alyas Romeo, na nahuli matapos umanong ibigay sa isang pulis na nagpanggap na buyer ang mga ilegal na nakuhang acacia planks.

Nakumpiska mula sa suspek ang dalawang acacia planks, marked at boodle money, isang written receipt, 18 piraso ng assorted lumber na tinatayang nagkakahalaga ng P80,000, isang bandsaw na may blade at dynamo, at dalawang chainsaw.

Umabot sa P150,000 ang kabuuang halaga ng mga nakumpiskang kagamitan at kahoy.