Calendar
NE municipal employee pinalawig term ng 6 months
SAN ANTONIO, Nueva Ecija–Pinagbigyan ng Civil Service Commission (CSC) ang motion for reconsideration (MR) na inihain ni Mayor Dr. Angelita Salonga-Esquivel para sa pagpapalawig ng serbisyo ni Municipal Health Officer Dr. Robert Marcelo na naabot na ang mandatory retirement age na 65-anyos noong Hulyo 1.
Nagsumite ng MR ang alkalde pero tinanggihan ng ahensya.
Sa kanyang MR, binanggit ni Salonga-Esquivel na ang naantalang paghahain ng kahilingan para sa pagpapalawig ay dahil sa isang pagkakamaling maaaring ipaliwanag dahil nagkaroon ng election ban para sa 2025 kasama ang pagpapalit ng pamumuno noong Hulyo 1.
Sa isang resolution, kinatigan ng CSC ang mosyon ni Salonga-Esquivel na nagsasabing binigyang-katwiran nito ang kahilingan para sa pagpapalawig ni Dr. Marcelo sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na ang pagkaantala sa paghahain ay sanhi ng election ban at ang pagpapalit sa lokal na pamumuno.
“Iginiit din nito na ang pagpapalawig ay kinakailangan upang mabigyan ang LGU ng sapat na oras upang matukoy ang isang pantay na kwalipikado at may kakayahang kapalit, kung isasaalang-alang ang limitadong grupo ng mga prospective na aplikante,” sabi ng resolusyon.
“Alinsunod dito, ang serbisyo ni Marcelo ay pinalawig mula Hulyo 2, 2025 hanggang Enero 1, 2026,” dagdag ng CSC.

