Pag-Ibig

Pag-IBIG magbibigay ng calamity loan sa mga biktima ng lindol

359 Views

MAGBIBIGAY ng calamity loan ang Pag-IBIG Fund sa mga miyembro nito na nasalanta ng magnitude 7.0 lindol.

Ayon sa Pag-IBIG ang maaaring utangin ay hanggang 80 porsyento ng halaga ng savings ng miyembro.

Ang mga maaari umanong mangutang ay ang mga residente sa lugar kung saan nagdeklara ng calamity ang mga lokal na pamahalaan.

Maaari umanong magpadala ng loan application online sa Virtual Pag-IBIG.

Tatanggap din umano ang Pag-IBIG ng loan application sa pamamagitan ng kanilang Lingkod Pag-IBIG on Wheels, ang mobile physical branch ng ahensya na naka-istasyon malapit sa Bangued Cathedral sa Abra.