Ibay Inihayag ni PBGen. Arnold Thomas Ibay, director ng Negros Island Region, ang pagkakatimbog sa suspek sa ilegal na droga sa Dumaguete City, Negros Oriental. JONJON C. REYES

‘Tulak’ na may P2.72M shabu swak sa rehas

Jon-jon Reyes Nov 15, 2025
384 Views

SWAK sa kulungan ang pinaghihinalaang tulak matapos matimbog ng mga miyembro ng Dumaguete City police sa Purok Mabugnawon, Brgy. Junob, Dumaguete City, Negros Oriental noong Biyernes.

Ayon sa report kay Negros Island Region police chief Brig.General Arnold Thomas Ibay, bandang alas-8:20 ng gabi nahuli ang suspek sa pangunguna ni PCapt. Mac Millard Milan sa nabanggit na lugar.

May tinatayang 400 na gramo ng shabu na nagkakahalga ng P2.72 milyon ang nakuha sa suspek bukod pa sa 1 Vivo cellular phone.

Dinala ang suspek sa Dumaguete City police station para sa booking at tamang disposisyon habang inihahanda ang mga documentary requirements para sa pagsasampa ng kaukulang kaso sa korte.