Calendar
Parak sa Region 3 kumilos; 4 na kriminal hinuli
CAMP OLIVAS, Pampanga–Apat na pinaniniwalaang sangkot sa mga krimen sa Gitnang Luzon ang naaresto noong Martes ng mga pulis ng Criminal Investigation and Detection Group–Regional Field Unit 3 (CIDG-RFU3).
Naaresto ang isang suspek na si alyas Baduy, 48, sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong bilang ng acts of lasciviousness.
Nadakip din si alyas Janjan, 31, dahil sa 12 bilang ng acts of lasciviousness at 3 bilang ng lascivious conduct.
Naaresto si alyas Nuqui, 33, para sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children Act).
Noong Nobyembre 16, naaresto si alyas Val, 35, dahil sa paglabag sa PD 1866 (Illegal Possession of Firearms).
Ayon kay Col. Grant Gollod, hepe ng CUDG-RFU3, ang mga operasyong ito ay patunay ng pagsisikap na madakip ang mga indibidwal na sangkot sa mabibigat na krimen.

