Bebot

Bebot tinakot ng 2 kelot na ipo-post hubad na litrato pag di nagbigay ng P5K

Gil Aman Nov 19, 2025
414 Views

HUBAD mong larawan post namin o limang libong piso kapalit.”

Ito ang sinabi ng dalawang suspek na naaresto sa robbery extortion ng Rodriguez Police noong Martes ng gabi sa kanilang biktima.

Inaresto ang dalawang suspek na sina alyas “Jason” at “Irah Mae” sa isang sari-sari store na nasa likod ng Phase-1B Kasiglahan Village sa Barangay San Jose sa Rodriguez, Rizal.

Sinabi ng pulisya na nagharap ng sumbong ang biktima na hindi binanggit ang pangalan laban sa mga suspek na humihingi ng P5,000 at kung hindi siya magbibigay ay ipo-post ang hubad nitong larawan.

Ayon sa biktima, buburahin din ang video sakaling makapagbigay siya ng hinihinging halaga.

Nagsagawa ang intelligence operatives na sina PCpl. Anthony Dick Arado at Pat. David Natividad ng entrapment operation dakong 6:40 ng gabi.

Ang operasyon ay nagbunga nang maaresto ang dalawang suspek kung saan nabawi sa kanila ang limang piraso ng marked money.

Nabawi rin ang isang Vivo mobile phone mula sa mga suspek.