PPO

Dolor nagbigay ng P2.3M ayuda sa OrMin PPO

Helen D. Prado Nov 19, 2025
225 Views

NAUJAN, Or. Mindoro – Personal na ipinagkaloob ni Gobernador Humerlito “Bonz” A. Dolor noong ika-18 ng Nobyembre ang mahigit P2.3M tulong pinansyal sa lahat ng police ptations sa bawat bayan at lungsod na sakop ng Oriental Mindoro Provincial Police Office (OrMin PPO) at PNP Regional Office MIMAROPA.

Bahagi ito ng patuloy na pagsuporta ng Pamahalaang Panlalawigan sa mga kapulisan upang higit pa nilang magampanan ang kanilang tungkuling gawing ligtas ang mga mamamayan na makakapamuhay, makapagtrabaho, maglakbay at magnegosyo.

Lubos ang naging pasasalamat ni Provincial Director PCOL Edison V. Revita dahil aniya sa tuluy-tuloy na tulong na natatanggap nila mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

“Walang magiging effective na pamamahala kung walang stable na peace and order sa lalawigan.” Ito ang binigyang diin ni Gob. Dolor sa kanyang mensahe kung kaya’t patuloy aniya niyang sinusuportahan at ibinibigay ang mga pangangailangan ng kapulisan sa lalawigan.

Patunay ito ng matatag na ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan at ng mga tagapagpatupad ng batas tungo sa mas maayos at ligtas na lalawigan.