Jamaica Larawan: Miss Universe Jamaica/IG

Miss Jamaica nahulog sa stage habang rumarampang naka-gown

804 Views

SI Miss Universe Jamaica 2025 Gabrielle Alexis Henry ay kasalukuyang nagpapagaling sa ospital matapos mahulog mula sa stage sa preliminary competition ng Miss Universe sa Thailand noong Nobyembre 19.

Nang matapos ang kanyang runway sa evening gown portion, natisod si Gabrielle at diretsong nahulog pababa ng entablado. Hindi ito nakita sa live feed, pero agad nag-viral ang audience videos na nagpapakitang dinaluhan siya ng staff at inilusong palabas sa stretcher habang nagpapatuloy ang programa.

Kinumpirma ng Miss Universe Jamaica na agad dinala sa Paolo Rangsit Hospital ang beauty queen. Ayon sa doktor, wala siyang life-threatening injuries, ngunit patuloy ang tests para masigurong tuloy-tuloy ang pagbangon niya.

Humiling ang organisasyon na ipagdasal si Gabrielle at padalhan siya ng positive energy, lalo’t malaking laban pa ang naghihintay.

Si Gabrielle ay isang ophthalmologist at nagtatag ng foundation para sa mga may kapansanan sa paningin. Kapag tuluyang gumaling, kaya pa niyang humabol sa coronation night sa Nobyembre 21 sa parehong venue.

Samantala, target ng Pilipinas na si Ahtisa Manalo ang ikalimang Miss Universe crown.