Batangas

Batangas City may feeding program

451 Views

INILUNSAD sa Batangas City ang programang “Mag-aral at Mananghalian” ni Mayor Marvey Mariño na sasagot sa tanghalian ng mga mag-aaral sa elementarya at high school.

Ang programa komprehensibo na tutugon sa ibat-ibang aspeto at sektor ng lipunan tulad ng health, nutrition, education, agriculture at environment.

Ang mga sangkap tulad ng gulay ay direktang aangkatin sa mga magsasaka sa lungsod at mga agri-based na kooperatiba at babayaran ng pamahalaang lungsod upang ihatid sa dalawang paaralan.

Araw-araw na magkatuwang ang mga opisyal ng barangay at pamunuan ng paaralan para maghanda at magluto ng pananghalian sa mga mag-aaral.