DHSUD Source: File photo

Hontiveros matindi pagpuna sa DHSUD ukol sa mga problema sa pabahay

228 Views

MATINDI ang pagpuna ni Senadora Risa Hontiveros sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan para sa pabahay, matapos niyang ilahad ang magkakaugnay na problema—matagal na water delays, depektibong units, magulong programa at mahina umanong enforcement—na nagpapahirap sa libo-libong pamilya.

Sinimulan ni Hontiveros sa paglatag ng sitwasyon sa mga High-Density Housing (HDH) projects—mga medium-rise na pabahay ng gobyerno para sa low-income families. Binigyang-diin niya na pitong taon nang naghihintay ang Alpas para sa tubig, habang ang AMC—or Affordable Medium-Rise/Mass Housing Complex—ay wala pa ring water connection, kaya “preventing occupancy.”

Nang ipahayag ng DHSUD na maaaring tumagal pa nang 90–120 araw ang pag-install, mariin ang tugon niya: “Hindi lang mahirap… imposible.”

Binigyang-diin ng senadora na hindi nagagamit nang maayos ang escrow funds—ang pondong reserba ng developer para sa repairs, completion at safety compliance—dahil wala pang malinaw na teknikal na framework. “Utilizing ESCROW funds… cannot be effective without a technical framework,” aniya.

Ipinunto rin niya ang usapin ng affordability sa 4PH (Pambansang Pabahay Para sa Pilipino) program. Sa Lapidario Medium Rise Project, aniya: “At 1% interest, more than 700 qualified… but at 3%, only 159 would qualify.”

Tinalakay din niya ang paulit-ulit na reorganizations ng Community Mortgage Program (CMP), CMP-MB (CMP Microfinance-Based) at Social Housing Finance Corporation (SHFC)—mga programang ginagamit ng komunidad para sa land acquisition at titling. Ayon sa kanya, nagdudulot ito ng delays at pagkalito sa mga benepisyaryo.

Nagbabala rin siya na ang mga kahinaang ito ay nag-iiwan sa mga komunidad na lantad sa panganib lalo na sa harap ng “The Big One,” ang inaasahang magnitude-7.2 na lindol. “Maaaring mag-resulta sa tens of thousands ng mga pamilya… mailibing sa ilalim ng rubble,” babala niya.

Hiniling pa niya ang mandatory third-party audit ng relokasyon para sa NLEX Segment 8.2 expressway project. “Posible kaya… mandatory third-party monitored audit ng relocation process,” aniya, matapos makatanggap ng reklamo ukol sa transparency at eligibility.

Sa huli, hinimok niya ang DHSUD na suportahan ang in-city rental options ng mga LGU, kabilang ang Quezon City na may “cost-effective solutions like 800-peso monthly rental options.”

Ayon kay Senador Sherwin Gatchalian, rerepasuhin ng DHSUD ang mga patakaran at paiigtingin ang enforcement at koordinasyon sa LGUs.