Goitia Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic-oriented organizations:Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD),People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER),Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, kung saan itinataguyod niya ang katotohanan, katatagan, at dangal ng sambayanang Pilipino..

PH pinagtatanggol di lang teritoryo kundi pati prinsipyo

Jon-jon Reyes Dec 2, 2025
172 Views

ISANG bagong ulat mula sa isang kilalang international think tank ang naglatag ng malinaw na paalala: ang Pilipinas ay hindi lamang nagtatanggol ng teritoryo nito — nagtatanggol tayo ng prinsipyo.

Ipinapakita ng ulat na ang ating posisyon sa West Philippine Sea ay mas malalim kaysa sa territorial claim. Ito’y mahalagang ambag sa pagpapanatili ng pandaigdigang kaayusan at paggalang sa batas.

Sabi ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia, ang tindig ng Pilipinas “ay dapat nakabatay sa batas, katotohanan, at dangal ng sambayanang Filipino — hindi sa takot.”

Binibigyang-diin ng think tank na kapag iginigiit natin ang 2016 Arbitral Ruling at tumatangging “umitras”, mas lumalakas ang kaayusan sa Asya.

Sabi ni Goitia:“Kapag ang isang bayan ay naninindigan sa tama, naririnig ito kahit sa malalayong lugar.”

“Hindi sa lakas ng sigaw nasusukat ang tibay ng bansa. Sa paninindigan ito nakikita, dagdag ni Goitia.

“Ang pagsuporta sa Pilipinas ay hindi pakikipag-away. Ito ay pagtindig para sa mundong may batas at dangal. Para ito sa mga batang Pilipinong darating pa. Maaaring lumakas ang mga alon, pero ang tapang ng Filipino ay hindi lumulubog,” aniya.