Nanghoholdap ng Bumbay tiklo sa parak
Apr 19, 2026
Calendar
Metro
Babae di pinauwi ng buhay, binaril sa ulo, patay
Gil Aman
Dec 3, 2025
401
Views
BINARIL sa likod ng ulo ang isang babae na naglalakad habang pauwi sa kanilang tahanan ng isa sa dalawang hindi pa kilalang suspek sa Purok 5, Zone 8, Brgy. Cupang , Antipolo City Miyerkules ng madaling araw.
Mismong sa lugar namatay ang biktima na kinilalang si alyas Camille mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril.
Sa inisyal na imbestigasyon, dakong 12:55 ng madaling araw habang naglalakad ang biktima nang abangan ng suspek ang biktima na galing sa Marikina City.
Blangko pa ang pamunuan ng pulisya sa motibo ng pananambang.
Sa unang ulat ng BPSO ang pangyayari ay agad ipinagbigay sa PCP 1 ng Antipolo Component Police Station na nagsagawa ng imbestigasyon.
PBBM veggies ipinamigay sa Pasay
Apr 19, 2026
3 kritikal matapos sumalpok jeepney sa poste sa QC
Apr 19, 2026
1 sa kambal todas, 3 sugatan sa banggaan ng motor
Apr 18, 2026
Lider ng CTG naaresto sa bus sa Pasay
Apr 18, 2026

