Calendar
Nag-photo ops ang isang bagong kasal na karga ang kanilang pet puppies at ang kanilang buong pamilya kasama ang kanilang ninong na si Mayor Sylvester Austria kasama si dating mayor Sylvia Austria at mga konsehal.
27 couples ikinasal sa Jaen
JAEN, Nueva Ecija–Ginanap ang ika-16 taong kasalang bayan noong Biyernes sa bayang ito at si Mayor Sylvester Austria ang nangasiwa sa kasalang bayan at ninong ng 27 pares na ikinasal.
Nagpasalamat ang oldest couple na sina Danilo Pascual, 71, at Mercedita Pangilinan, 64.
May limang anak at 13 apo ang oldest couple.
“Ayoko na pagdating ng panahon ay lalapit kayo sa akin at hihingi ng tulong upang ipawalang-bisa ang inyong kasal na aking ginawa ngayon dito.”
Bawal ipa-annul ang inyong kasal. Ito ay isang permanenteng tipan na dapat lagi ninyong tandaan at isapuso,” sabi ng alkalde.
Dumalo din sa okasyon bilang speaker si Gerlie De Guzman, Philippine Statistics Authority-Nueva Ecija OIC-supervising statistical specialist.
Sinaksihan ang kasalang-bayan nina dating alkalde Sylvia Austria at mga konsehal ng bayan na sina Josephine “Josie” Angeles, Antonio Ocampo, Norman Velarde, Gerry Quetua, Archie Patok Cruz at ABC president Joey Pantaleon.

