San juan

San Juan police nakatanggap ng parangal

224 Views

PINARANGALAN ng Department of Education-San Juan East at San Juan West sub-offices ang San Juan police sa pamumuno ni P/Lt. Col. Crispin Banes, chief of police, at P/Maj. Ernesto Chavez, deputy chief of police sa programang Handog Pasasalamat.

Ginawaran ng parangal ang police unit bilang pagkilala sa papel ng mga pulis sa ligtas na pagdaraos ng Batangas Province Division Athletic Association (BPDAA) Meet 2025 sa San Juan.

Pinangunahan nina Dr. Ellinor Peña (PSDS, San Juan East Sub-Office) at Dr. Sarah Saguin (PSDS, San Juan West Sub-Office) ang pamamahagi ng mga parangal kasama si Mayor Ildebrando Salud.

Pinuri ng DepEd ang kapulisan sa kanilang dedikasyon sa public safety at sa patuloy na pakikipagtulungan sa mga programa ng sektor ng edukasyon.