Calendar
MC driver, angkas patay matapos bumangga sa dump truck
PATAY ang drayber ng motorsiklo gayundin ang angkas na babae nang aksidenteng bumangga sa Isuzu dump truck sa Marcos Highway, Antipolo City, ng madaling araw ng Disyembre 14.
Ayon aa Antipolo traffic police, dead on the spot ang mga biktima nang dumating ang rescue na ambulansiya sa lugar ng pinangyarihan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, naganap bandang ala-1 ang banggaan sa pagitan ng truck at motorsiklo sa tapat ng Wilcon Antipolo sa Barangay Mayamot.
Ayon sa traffic police, ang motorsiklo na sakay ang mga biktima ay binabagtas ang Marcos Highway patungo sa Cogeo Gate 1, samantalang ang truck ay nakaparada sa may gilid subalit umandar patungo sa kabilang direksiyon na naging sanhi ng banggaan.
Mabilis na tumakas ang drayber ng Isuzu dump truck na naplakahan at hindi pa nakikilala ang suspek.

