Laudiangco

Mga partido politikal, koalisyon dapat magsumite ng SIUS—Comelec

243 Views

IPINAALALA ng Commission on Elections (Comelec) sa mga rehistradong partido politikal at koalisyon na magsumite ng taunang Sworn Information Update Statement (SIUS).

Ayon kay acting Comelec spokesperson Rex Laudiangco ang deadline ng paghahain ng SIUS ay sa Agosto 15 batay sa Comelec Resolution 10411 na may petsang Hulyo July 31, 2018.

Ang SIUS ay dapat isumite sa Clerk of the Commission.

Kasama sa impormasyon na dapat isumite ng mga partido at koalisyon ang listahan ng mga kasalukuyang opisyal nito, at ang mga miyembro na naka-upo sa puwesto.

Ang pagkabigo na magsumite ng SIUS ay maaari umanong gamitin bilang batayan ng pagkansela ng rehistro ng isang partido o koalisyon.

“Failure to comply with said requirement shall constitute prima facie evidence that the political party or coalition of political parties concerned already ceased to exist, and shall be a cause for the cancellation of the party’s and coalition’s registration after due notice and hearing,” sabi ni Laudiangco.