Calendar
Asvel ng France sasabak laban sa PBA teams
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-75 taon ng pagkakaibigan ng Pilipinas at France, ilulunsad ng PBA ang five-day exhibition event at the Smart Araneta Coliseum.
Tatampukan ang naturang kumpetisyon, na tatawaging “75 League Basketball Exhibition”, ng LDLC Asvel-France, at tatlong iba pang teams simula Aug. 31 hanggang Sept. 4.
Ang LDLC Asvel ang pinaka-sikat na French basketball club na pagma-may-ari ni NBA great Tony Parker.
Pinangungunahan ito nina dating NBA players Nando De Colo at Joffrey Lauvergne at papatnubayan naman bilang coach ng kapatid ni Parker na si TJ.
Makakatagisan nila ng galing ang mga PBA teams na Blackwater at NLEX gayundin ang bumibisitang Bay Area Dragons, na nakatakda ding lumahok sa darating na PBA Commissioners Cup.
Unang makakatapat ng LDLC Asvel ang Dragons, na tatampukan ng 7-foot-5 giant na si Liu Chuanxing, Hong Kong player Duncan Reid, at imports Myles Powell and Andrew Nicholson sa Aug. 31.
Sa Sept. 2, kikilatisin naman sila ng NLEX Road Warriors
Matapos nito, ang Blackwater Bossing st ang kanilang 6-foot-9 import na si Cameron Krutwig ang susubok laban sa Asvel sa Sept.4.
Dumalo sa launching ng nasabing event si France ambassador Michele Boccoz, kasama sina Blackwater team owner Dioceldo Sy, NLEX coach Yeng Guiao, at Bay Area Dragons team manager Quansheng Liu.
Kasama din sina Blackwater team governor Siliman Sy, PBA deputy commissioner Eric Castro, Bossing coach Ariel Vanguardia at players Brandon Rosser at Ato Ular ng Blackwater at Larry Fonacier at Asi Taulava ng NLEX.