Bangkay Kasama sa mga basura ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na nakita ng isang MMDA utility worker, habang nagsasagawa naman ng pagsisiyasat ang mga pulis sa pumping station sa Quiapo, Manila.

Bangkay ng lalaki iniluwa ng pumping station sa Quiapo

Jon-jon Reyes Jan 23, 2026
210 Views

Bangkay1ISANG katawan ng lalaki na wala nang buhay ang iniluwa sa isang pumping station malapit sa Pasig River-Estero de San Miguel na matatagpuan sa Muelle dela Quinta Street, Barangay 384, Quiapo, Manila, hapon ng Biyernes.

Ayon sa nakakita na si Benigno T. Aquino, ang 41-anyos na utility worker ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), bandang alas-2:30 ng hapon habang naglilinis ng mga basura malapit sa pumping station ay nakita nito ang hindi pa nakikilalang lalaki na may suot na brown t-shirt, itim na short pants at itim na eye glasses, at nasa decomposition na ang katawan nito.

Agad ipinagbigay-alam sa pulisya ang nasabing bangkay ng biktima.

Mabilis namang rumesponde ang Palanca Police Community Precinct ng Manila Police District (MPD) Barbosa Police Station 14 upang ikordon ang lugar, bago itinawag sa Homicide Section sa headquarters ng MPD.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para sa pagkakakilanlan ng biktima.