Calendar
OFW Party List suportado ang panawagan ng CBCP laban sa human trafficking
SUPORTADO nang OFW Party List Group ang panawagan ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan para sa pagpapalakas at pagpapa-igting ng kampanya laban sa laganap na human trafficking at illegal recruitment.
Sinabi ni dating OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” P. Magsino na bagama’t Hindi aktibo ngayong 20th Congress ang kanilang grupo. Subalit nananatili parin aniya ang kanilang paninindigan at pakikibaka laban sa human trafficking.
Dahil dito, ipinahayag ni Magsino na kailangang mas lalo pang palakasin at paigtingin ng gobyerno ang kampanya nito laban sa human trafficking at illegal recruitment dahil marami parin mga Pilipino ang nabubudol ng mga pekeng pangako.
Ikinalulungkot ni Magsino sapagkat batay sa ginagawang pagbabantay ng OFW Party List sa kasong ito. Marami paring mga inosenteng Pilipino ang nabibiktima ng mga taong nasa likod human trafficking na pinapanngakuan ng malaking sahod.
Ipinaliwanag ng dating congresswoman na karamihan sa mga nabibiktima ay mga taga probinsiya na nahihikayat sa mga pekeng trabaho, pekeng pangako at oportunidad dahil sa kahirapan, kawalan ng tahanan at limitadong edukasyon.
Iminumungkahi ni Magsino na marahil ay kinakailangang palakasin ng pamahalaan ang “information drive” nito sa pamamagitan ng digital platform o social media (soc-med) para magkaroon ng sapat na kaalaman ang mga mamamayan tungkol sa laganap na kaso ng human trafficking at illegal recruitment.
Samantala, naanyayahan si Magsino sa inagurasyon at turn-over ceremony ng mga bagong classroom building ng DPWH Building ng Balas Buco Sta. Maria National High School sa Talisay Batangas kung saan ito ang katugunan sa problema ng kakulangan ng silid paaralan sa Sta. Maria National High School.

