Sandiganbayan

MinOr gob dumalo sa pagdinig sa Sandiganbayan

Helen D. Prado Feb 5, 2026
170 Views

QUEZON CITY–Humarap sa 6th division ng Sandiganbayan si Oriental Mindoro Gov. Humerlito “Bonz” Dolor noong Pebrero 4 upang tumestigo sa bail hearing laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at sa iba pang mga sangkot na opisyales ng Department of Public Works and Highways ( DPWH)- MIMAROPA sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Gob. Dolor, inilahad niya ang lahat ng kanyang nalalaman base sa mga inspeksyon sa mga proyekto na ginawa niya at upang higit pang mapalakas ang ebidensyang magpapatibay sa kasong malversation na isinampa sa mga sangkot sa anomalya.

Kasama ang testimonya ni Dolor sa pag-aaralan ng Sandiganbayan kung gagawing non-bailable ang kaso ng mga nasasakdal depende sa bigat at tibay ng mga inihaing ebidensya.