Mag-jowa magka-wavelength, bagay na bagay
Aug 9, 2026
Slay mama 10!
Aug 9, 2026
Calendar
Metro
Nanutok ng paltik, natiklo
Edd Reyes
Feb 5, 2026
232
Views
NATIMBOG ng mga pulis ang dalawang lalaki na nanutok ng paltik na baril sa kanilang mga biktima sa Valenzuela at Navotas noong Martes.
Unang nadakma si alyas Koboy, 33, sa Brgy. Marulas, Valenzuela nang humingi ng tulong ang lalaking tinakot na babarilin niya kapag hindi sumagot sa tanong niya tungkol sa kaaway.
Nakumpiska kay alyas Koboy ang improvised shotgun na kargado ng 12-gauge na bala.
Sumunod na nadakip si alyas Kokoy, 24, nang matiyempuhan ng mga pulis habang hinoholdap ang isang babae habang armado ng paltik na baril sa Navotas City.
Mga kasong grave threats at paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang ihahaing kaso laban sa kanila.
2 boga kinana, kumana laglag sa parak
Aug 8, 2026
Lalaking suspek sa panghahalay, laglag sa parak
Aug 7, 2026

