Calendar
Malabon mayor hinimok mga mamamayan na makiisa sa programang pang kalikasan
HINIMOK ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang mga tao sa lungsod na makiisa sa mga programang pangkalikasan ng lokal na pamahalaan katuwang ang iba’t-ibang pampubliko at pribadong organisasyon.
Inihayag ito ng alkalde sa programang Bayanihan sa Barangay ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na layong maging aktibo ang mga lokal na pamahalaan sa paglilinis sa mga lansangan, estero, kanal, at iba pang mga daluyan ng tubig.
“Habang patuloy nating pinaiigting ang pagpapatupad ng mga programa para sa kalinisan at pangangalaga ng kalikasan dito sa lungsod, lalo pa nating palalakasin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa mga pambansang ahensya upang mas maging epektibo at pangmatagalan ang ating mga inisyatiba,” pahayag ni Mayor Jeannie.
Nagsasagawa ng maghapong clean-up noong Miyerkules ang alkalde mga opisyal ng MMD sa Pinagsabugan Creek sa Brgy. Longos at Letre Creek sa Tonsuya.
Naglagay ang MMDA ang mga road signs sa C4 Road sa Brgy. Tanong at sa paligid ng City of Malabon University habang inilagay sa P. Aquini Road ang mobile Material Recovery Facility na mapaglalagyan ng mga residente ng mga recycled materials.

