Calendar
Iniharap ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno ang dalawang ‘jumper boys’ matapos matimbog ng mga kapulisan ng MPD sa Capulong St.Tondo Manila.JONJON C. REYES
YORME BILIS KILOS SA ULAT NG ISANG NETIZEN NA NAG VIRAL KAUGNAY SA JUMPER BOYS, MGA SUSPEK AGAD NA NATIMBOG



DAHIL sa isang viral na video noong February 2, 2026 patungkol sa mga jumper boys na nagnakaw ng tanso ng truck sa kahabaan ng Capulong Street sa Tondo ay agad na natimbog ng Raxabago Police Station.1 ang suspek na si Ramil Fernandez, 20 nitong February 4, 2026 sa kahabaan ng Capulong Street corner Mel Lopez Boulevard.
Dahil dito, agad na ipinag-bigay alam kay Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ang pagkakasabat sa unang suspek.
Kasabay nito, nagbigay ng paalala si Yorme Isko patungkol sa isa pang suspek.
Aniya “Sa mga tolongges diyan: hindi kami mapapagod na hanapin kayo. At sa isa pang suspect na kasama ni Ramil na si alyas “Jumong” ay sumuko ka na. Hindi mapapagod ang ating kapulisan maiharap ka lamang sa batas.”
Matapos ang panawagan ni Yorme sa isang suspek, kusang sumuko sa mga awtoridad ang kasabwat ni Ramil Fernandez, alyas “Boy Paldo”, na si Chris Adriano, alyas “Jumong,” 18, sa Don Bosco Police Station.
Isa siya sa mga nasangkot sa viral na insidente ng umano’y pagnanakaw ng tanso mula sa isang truck sa Capulong Street sa Tondo.
“Habang hinihintay pa natin ang desisyon ng drayber o may-ari ng truck kung magsasampa sila ng reklamo laban sa kanya, pinauwi muna natin si Jumong sa kanila upang mapanatag ang kanyang mga magulang,” sabi ni Yorme Isko.
“Zero tolerance po tayo pagdating sa krimen at sa mga tolongges na namemerwisyo sa kanilang kapwa, ngunit may puso rin tayo para sa mga handang itama ang kanilang pagkakamali, dagdag ng butihing alkalde ng Maynila.
Nagbigay naman ng isang mensahe si Yorme Isko sa mga kabataan ng lungsod ng Maynila .
Sa mga batas diyan, alalahanin ninyo na may pananagutan kayo sa inyong sarili, sa inyong pamilya, at sa inyong komunidad. Sana mas piliin natin ang tama at mas maayos na landas,” aniya.

