Daga2 Agad na isinugod sa pagamutan ang isang 25-anyos na bebot matapos umano itong aksidenteng tamaan ng baril sa paa ng kanyang isa sa kaanak sa loob ng kanilang tahanan sa Bgy. 867, Pandacan, Maynila. JONJON C. REYES

Bebot tinamaan ng bala mula sa kapatid na namamaril ng daga

Jon-jon Reyes Feb 6, 2026
170 Views

Daga3DagaDaga1AGAD na isinugod sa pagamutan ang isang 25-anyos na bebot matapos umano itong aksidenteng tamaan ng bala ng baril sa paa ng kanyang isa sa kaanak sa loob ng kanilang tahanan sa Bgy. 867, Pandacan, Maynila, Huwebes ng gabi.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 6:18 ng gabi nang mangyari ang insidente matapos makarinig ng putok ng baril ang biktima habang sila ay naghahapunan sa loob ng kanilang bahay.

Maya maya pa ay bigla na lamang itong bumagsak at duguan ang kanyang kaliwang paa.

Sa kuha naman ng CCTV sa lugar ng nasabing barangay, bandang 6:30 ng gabi makikita na buhat ng isa sa kamag-anak ang biktima mula sa loob ng iskinita upang dalhin sa ospital..

Ayon naman sa Punong Brgy sa unang report ay isang stray bullet ang inakalang tumama sa biktima base sa pahayag ni Brgy Chairman Marlon Rivera.

Bandang 6;35 ng gabi nang sinabi ng mga tanod na may mga pulis sa pinangyarihan ng insidente ng pamamaril

Subalit nang muling magsagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad bandng alas 11;35 ng gabi napag-alaman na nasa loob pala ng bahay ng biktima ang baril na ginamit.

Makalipas ang ilang minuto, bitbit ng mga operatiba ang narekober na baril na isang kalibre 45 at isang airsoft gun mula sa loob ng bahay ng biktima.

Ayon naman sa isang residente na ayaw magpakilala, posibleng aksidenteng nabaril ng isa sa kamag anak ng biktima dahil namamaril daw umano ng daga ang suspek,kung kaya’t natamaan ang kapatid nito na biktima sa kaliwang paa.

Dagdag pa ng residente sa usap-usapan ng kanya ring mga kalapit bahay,halos gabi gabi daw namamaril ng mga daga ang suspek.

Bago mangyari ang insidente at habang nagpapahinga ang suspek ay namamaril ito ng daga sa loob ng kanilang bahay na posibleng aksidenteng tinamaan ng bala ang biktma.

Gayunman hindi muna nagbigay ng salaysay ang biktima na patuloy pang inoobserbahan sa Sta ana Hospital.

Tumanggi rin muna magbigay ng pahayag ang pulisya habang patuloy ang ginagawang imbestigasyon.