Calendar
Yorme itinuloy na paggawa ng bagong gusali ng RMHS
ITINULOY na ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang konstruksiyon ng natenggang gusali ng Ramon Magsaysay High School (RMHS) at tiniyak na matatapos ito sa loob ng isang taon
Pinangunahan nina Mayor Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza ang groundbreaking para sa pagpapatuloy ng konstruksiyon ng 10-palapag na gusali sa España Boulevard sa Sampaloc na naantala ng tatlong taon matapos hindi bigyang prayoridad ng nakaraang administrasyon.
“Next year, on the same day and time, we will inaugurate Magsaysay High School,” sabi ni Mayor Isko Moreno.
Sa oras na matapos, lahat ng academic classrooms ay fully air-conditioned, mayroon din itong gymnasium, auditorium, apat na science laboratory, library, e-library at may nakalaang outdoor sports facilities at dalawang SPED rooms para sa mga special child at MDRRMO office, sabi ng alkalde.
“Today is a ceremony to light the fire again. I’ll make sure through our engineers, architects, construction workers, and barangay officials, to the parents, to the faculty: Pag hindi ’to natapos ng one year, soli-pera,” pagtiyak ng alkalde.

