Bomb

Paghuhukay sa UP bomba nakuha

98 Views

Bomb1ISANG vintage bomb ang natagpuan sa loob ng University of the Philippines (UP) sa harap ng Institute of Chemistry Teaching Building sa Brgy. UP Campus, Quezon City noong Martes.

Nadiskubre ang bomba bandang alas-8:30 ng umaga ni Andrew Gepoleo, 35, construction worker habang naghuhukay gamit ang pala.

Ipinaalam ang insidente sa UP Diliman Police (UPDP) na unang rumesponde sa lugar.

Bandang alas-9:10 ng umaga ini-report ang insidente sa Anonas Police Station kaya nagtungo sa lugar ang mga rumespondeng pulis kasama ang QCPD Explosive Ordnance Disposal (EOD) team.

Nagpaalala ang pulisya sa publiko na i-report agad ang mga kahina-hinalang bagay na maaaring magdulot ng panganib.

Noong Pebrero 3, isa ring vintage bomb ang nahukay sa pareho ding lugar.