Remulla

DOJ nagbabala sa mga ISP na hinahayaan online child sexual exploitation

164 Views

Nagbabala ang Department of Justice (DOJ) laban sa mga internet service providers (ISP) at telecommunication company (telcos) na wala umanong ginagawa upang mapigilan ang online child exploitation.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla maaaring papanagutin din ang mga internet provider kung pinababayaan lamang nito na magamit ang kanilang platform sa online sexual abuse and exploitation of children (OSAEC)

Maituturing umano na mga accessory sa paggawa ng krimen ang mga ito kung mapatutunayan na walang ginagawang hakbang ang mga ito upang mapigilan ang pang-aabuso sa mga bata.

Ipinunto ni Remulla na mayroon ng mga teknolohiya na magagamit upang maharang ang mga umaabuso sa mga bata sa pamamagitan ng internet.