Binata napunta sa selda dahil may dalang marijuana
Oct 31, 2026
PRO 10 nilusob lihim na POGO hub sa Iligan
Oct 31, 2026
Calendar
Nation
Emergency loan program inihahanda ng GSIS para sa mga nasalanta ng bagyo
Peoples Taliba Editor
Aug 25, 2022
590
Views
ISANG emergency loan program ang inihahanda ng Government Service Insurance System (GSIS) para matulungan ang mga miyembro at pensyonado nito na nasalanta ng bagyong Florita.
Ayon sa GSIS ang may mga dati ng emergency loan ay makakautang ng hanggang P40,000 upang mabayaran ang kanilang dating loan at makapag-uwi ng P20,000.
Ang mga wala namang kasalukuyang emergency loan ay maaaring umutang ng P20,000.
Maaari umanong mag-aplay ang mga miyembro ng GSIS na naninirahan at nagtatrabaho sa mga lugar na naapektuhan ng bagyo.

