Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Abante

Abante pumalag sa paratang na tumanggap ng maletang kickback

Mar Rodriguez Feb 25, 2026
136 Views

PINALAGAN ng beteranong mambabatas na si Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante, Jr. ang ikinulapol na paratang laban sa kaniya kaugnay sa pagtanggap di-umano nito ng male-maletang pera mula sa kontrobersiyal na flood control project.

Binigyang diin ni Abante, Chairman ng House Committee Human Rights, na malisyoso at walang katotohanan ang ipinukol na alegasyon ng 18 ex-Marines na naging security escort ni dating AKO Bicol Party List Rep. Elizalde “Zaldy” S. Co.

Si Abante ay kabilang sa 25 kongresista na tinukoy at pinangalanan ng 18 ex-Marines na humarap sa isang press conference sa Club Filipino kung saan inakusahan nila ang mambabatas na tumanggap umano ng pera kay Co.

Iginigiit ni Abante na ang mga akusasyon laban sa kaniya ay bunga lamang ng pulitika bunsod ng kaniyang paninindigan laban sa mga kontroberisyal na usapin kabilang dito ang kaniyang pakikipaglaban sa isyu ng extra-judicial killings at war on drugs.

“Ito ay simpleng politika lamang dahil sa ating naging paninindigan at posisyon sa mga kontrobersiyal na usapin. I am being targeted because I have taken and the stands I have refused to compromise particularly with regard to obtaining justice for the victims extra-judicial killings and war on drugs,” wika ni Abante.

Tinuligsa din di Manila Rep. Joel R. Chua, Chairman ng House Blue Ribbon Committee (Good Government) ang mga paratang na inilabas ng 18 ex-Marines matapos nitong ipahayag na ang isinawalat ay bahagi lamang ng demolition job.

Ikinatuwiran ni Chua na kaduda-duda ang paglabas ng 18 Marines dahil maaaring ang layunin umano ng mga ito ay siraan ang kredebilidad ng mga miyebro ng House Quad Committee at House Committee on Justice na dumidinig sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
“Para sa akin, kahina-hinala ang timing. Yung mga alegasyon laban sa mga kasamahan kong kongresista. Ang layunin nito ay siraan ang mga miyembro ng House Quad Committee at Justice Committee na didinig sa impeachment case laban kay VP Sara,” ayon kay Chua.

Dagdag pa ni Chua na pag-aaralan pa nila kung isasa-alang-alang nila ang pagsasampa ng kaso laban sa labing-walong sundalo makaraang ipahayag nito na: “Pag-uusapan pa namin diyan. Pero ito ay malinaw na paninira sa aming mga congressman”.