Proyekto sa Expanded PH tiniyak na walang katiwalian
Apr 29, 2026
Calendar
Nation
BI nababahala sa dumaraming underage Pinoy na gustong mag-DH abroad
Jun I Legaspi
Feb 26, 2026
289
Views
NABABAHALA si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado sa dumaraming mga kabataang Pilipina na nasasabat habang tinatangkang lumabas ng bansa upang magtrabaho bilang kasambahay sa ibang bansa kahit na underage pa.
Ang naturang pangamba ay muling lumutang matapos ang pagkakasabat sa isang babaeng biktima sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 na nagtangkang lumipad noong Pebrero 23 para magtrabaho bilang domestic helper.
Ayon sa Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ng BI, unang idineklara ng nahuli na siya’y 24 taong gulang
Subalit, dahil sa mga hindi tugmang pahayag, siya ay isinailalim sa masusing imbestigasyon.
Napansin ng mga opisyal ang ilang hindi pagkakatugma sa kanyang mga pahayag.
“Ang kanyang tunay na edad ay lumabas sa birth certificate ng kanyang anak, na nagsasaad na siya ay ipinanganak noong 2004. Ibig sabihin, siya ay 21 taong gulang lamang at hindi pa pasok sa minimum deployment age,” sabi ni Viado.
Binigyang-diin niya na alinsunod sa kasalukuyang regulasyon para sa mga OFW, ang mga Pilipinong kasambahay na patungong Saudi Arabia at iba pang bansang destinasyon ay dapat hindi bababa sa 24 taong gulang.
“Napapansin natin ang nakababahalang trend kung saan tinatarget ng mga trafficking syndicates ang mga kabataan at mahihinang indibidwal kabilang ang mga menor de edad.
Tinuturuan silang magtago ng kanilang tunay na edad upang maisakatuparan ang ilegal na deployment,” dagdag pa ni Viado.

