Isko

Bagong Ospital ng Tondo itatayo na

Edd Reyes Feb 28, 2026
164 Views

MATUTULOY na ang pagtatayo ng 7-storey Ospital ng Tondo makaraang mabili ng Maynila ang loteng kinatitirikan ng dating Emmanuel Community Hospital sa Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso.

Pumayag ang Privatization and Management Office (PMO), ang may-ari ng lote, na bilhin ito ng Maynila sa tamang presyo na huhulugan sa loob ng 15 taon.

Ang naturang lote ay 350% na mas malaki kumpara sa 600-square meter na area ng Ospital ng Tondo sa Jose Abad Santos Avenue.

“Sa lumalaking populasyon ng ikalawang distrito ng Tondo, nararapat lamang na maging sapat ang maipagkaloob sa kanilang serbisyong medikal at pangkalusugan,” pahayag ng alkalde.

“Bagamat fiscally challenged ang Maynila, patuloy na ipinagkakatiwala ng mga taxpayer ang kanilang hard-earned money sa pamahalaang lungsod, with our commitment to spend it efficiently, diligently and effectively,” ani Mayor Isko.

Ang itatayong Ospital ng Tondo, na may dialysis center at cancer maintenance, ay bahagi ng mas malawak na programa ng pamahalaang lungsod.