Calendar
Repatriation ng OFWs sa Israel, Iran dapat paghandaan–Sen. Win
HINIMOK ni Sen. Sherwin Gatchalian ang Department of Migrant Workers (DMW) na maghanda para sa posibleng repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa Iran, Israel data ng pag-atake ng US sa Iran noong Sabado.
“Ang AKSYON Fund sa ilalim ng DMW ay ginagamit para sa repatriation ng mga OFW at iba pang anyo ng agarang tulong para sa mga nangangailangan,” ayon kay Sen. Gatchalian, pangulo ng Senate Committee on Finance.
Ayon pa sa kanya, dinagdagan ng Finance Committee ang AKSYON Fund ng P800 milyon kaya tumaas sa P2 bilyon mula sa dating P1.2 bilyon.
“Ang prayoridad natin ay ang kaligtasan ng ating mga OFW. Dapat maging handa ang pamahalaan na repatriate ang mga maaapektuhan,” dagdag ni Gatchalian.
Ayon sa DMW, humigit-kumulang sa 2.443 milyon ang mga Pilipino sa Middle East.
Hinimok din ng senador ang Land Transportation Regulatory and Franchising Board (LTFRB) na maghanda para sa episyente at napapanahong pagpapatupad ng Pantawid-Pasada program sa gitna ng inaasahang panibagong pagtaas ng presyo ng langis.
May kabuuang P2.497 bilyon na pondo ang maaaring ipamahagi sa ilalim ng Pantawid Pasada program.

