Villar

PLANONG PAGLIKAS SA OFWS SA ME PALAKASIN

116 Views

Ipinahayag ni Sen. Mark A. Villar ang matinding pag-aalala para sa kaligtasan at kapakanan ng mahigit 2.4 milyong overseas Filipino workers (OFWs) sa Gitnang Silangan sa gitna ng tumitinding tensyon.

Binigyang-diin ng senador ang agarang tungkulin ng gobyerno na protektahan at isaalang-alang ang lahat ng mga Pilipino sa rehiyon, lalo na sa harap ng mga ulat ng Pilipinong nasawi. “Ang tungkulin natin ngayon ay tiyaking ligtas, protektado, at accounted for ang ating mga kababayan sa Middle East.

Mas lalong mabigat ang sitwasyon dahil may naitala na pong pagkamatay ng isang Pilipina, si caregiver Mary Anne Velazquez de Vera, na nasawi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin,” sabi ni Villar.

Hinimok ni Sen. Villar ang Department of Foreign Affairs (DFA) at ang Department of Migrant Workers (DMW) na palakasin ang tulong para sa mga OFW, tiyakin na may mga plano para sa paglilikas, at gawing agad na maa-access ang mga mekanismo para sa emerhensiya at repatriation kung lalala pa ang sitwasyon ng seguridad. JOSEPH MUEGO