Acidre

Gulo sa Gitnang Silangan ikinababahala ni Rep. Acidre

Mar Rodriguez Mar 3, 2026
176 Views

NABABAHALA si TINGOG Party List Rep. Jude Acidre sa patuloy na paglala ng kaguluhan sa Gitnang Silangan na tiyak na makakaapekto sa mga Pilipinong nagta-trabaho doon.

Sinabi ni Acidre na kinakailangang magkasa ang Department of Migrant Workers (DMW) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ng contingency plan para maprotektahan ang maraming Pilipino sa Middle East kabilang na ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).

Tiniyak ng kongresista na nakahanda silang makipag-ugnayan sa mga pangunahing ahensiya ng gobyerno upang ma-protektahan at matulungan ang mga Pilipinong apektado ng kaguluhan sa Gitnang Silangan at makabalik din ng Pilipinas ng ligtas.

Pinuri din ni Acidre ang Department of Foreign Affairs (DFA) at DMW dahil sa kanilang pagsisikap na matulungan ang mga Pilipinong sa kanilang lugar sa harap ng tumitinding kaguluhan doon.

Hinihikayat din ni Acidre ang mga apektadong Pilipino na agad na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng Philippine Embassy sa Middle East para matulungan silang mailikas sa mas ligtas na lugar kung kinakailangan dahil narin sa sunod-sunod na airstrike.

“We will continue to protect and assist every Filipino affected and ensure their safe return home when necessary.

We commend the DFA, DMW, our embassies and labor posts for their vigilance and assistance to Filipinos on the ground,” sabi ni Acidre.