Calendar
ACT Teachers Rep. Antonio Tinio
VP Sara sinabihan ng Makabayan bloc na gasgas na ang script


NANAWAGAN nitong Sabado ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc kay Vice President Sara Z. Duterte na tigilan na ang umano’y pagpapakita na siya ay biktima at talikuran ang tinawag nilang “gasgas na script” ng umano’y sabwatan upang ipagsawalang‑bahala ang mga tanong tungkol sa kanyang confidential funds.
Tinanggihan nina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Women’s Party Rep. Sarah Elago at Kabataan Rep. Renee Louise Co ang pahayag ni Duterte na ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa confidential funds ay isang political weapon o bahagi ng isang diumano’y conspiracy laban sa kanya.
“We, the Makabayan bloc, reject Vice President Sara Duterte’s recycled claim that the House inquiry on her confidential funds was a political weapon and a supposed ‘conspiracy’ against her.
These are rehashed lines — ‘gasgas na script’ — meant to evade accountability by playing the victim,” sinabi ng mga mambabatas sa kanilang joint statement.
Binigyang-diin ng tatlong mambabatas na ang confidential funds ay pera ng bayan at nararapat lamang na siyasatin ng Kongreso at ng publiko.
“Confidential funds involve public money. When millions are requested, rushed, and shrouded in secrecy, the Filipino people have every right to demand answers,” pahayag nila.
They added that dismissing the inquiry as a “fishing expedition” does not remove the questions raised about the use of the funds.
Dagdag nila, ang pagtawag sa imbestigasyon bilang isang “fishing expedition” ay hindi nag-aalis ng mga tanong tungkol sa paggamit ng pondo.
“Labeling congressional oversight as a ‘fishing expedition’ does not erase the questions; it only strengthens the need for scrutiny,” anila.
Pinabulaanan din ng Makabayan bloc ang pahayag ni Duterte na sinimulan ang impeachment proceedings bago nagkaroon ng ebidensiya, at iginiit nilang nagsimula ang usapin dahil sa mga pangamba sa laki at paraan ng paggastos ng pondo.
“VP Duterte insists impeachment came first before evidence, but the record shows otherwise: the red flags raised questions about the size of the funds, the speed of releases, their purpose, and the safeguards against misuse — issues that demand clear answers precisely because confidential spending is difficult to independently verify,” saad ng mga mambabatas.
Nagbabala rin sila laban sa pagbibigay ng maling kahulugan sa audit findings bilang ganap na paglilinis sa anumang pananagutan.
“Her repeated invocation of COA ‘unmodified opinions’ is also misleading. An unmodified opinion is not a blanket certification that no wrongdoing occurred, especially when the spending category limits disclosure,” ayon sa kanilang statement.
Pinuna rin ng mga mambabatas ang mga naging pahayag ni Duterte laban sa Makabayan.
“Ang pulitikong nagigipit, sa red-tagging kumakapit. It’s already 2026 pero ganyan pa rin siya,” anila.
Binigyang-diin ng Makabayan bloc na tungkulin ng Kongreso, ayon sa Konstitusyon, ang magbantay sa paggamit ng pondo ng gobyerno.
“The House has constitutional duties of oversight and accountability, and no official is exempt,” giit nila.
Hinimok din nila ang Bise Presidente na direktang sagutin ang mga isyu sa harap ng House panel.
“Humaharap ang mga opisyal na walang itinatago. Umatend siya sa Committee on Justice at sagutin niya ang mga tanong ng taumbayan,” pahayag ng mga mambabatas.

