Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Cabrera: Posibleng nadoble bilang sa kita ni VP Sara
Oct 12, 2026
Calendar
Metro
QC cops humataw; 35 kriminal dinakma
Melnie Ragasa Jimena
Mar 8, 2026
351
Views
UMABOT sa 35 suspek sa halu-halong krimen ang naaresto sa isang linggong Warrant Day sa Quezon City, ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director P/BGen. Randy Glenn Silvio.
Kabilang sa mga nadakip sina alyas Dominic, 30, na may warrant of arrest para sa paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children).
Nadakip din ng Eastwood Police Station 12 at Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD si alyas Eric, 47, dahil sa paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act).
Arestado rin sina alyas Jomar, 32, para sa paglabag sa RA 9165, at alyas Jerome, 21, para sa statutory rape.
Kasama sa mga naaresto sina alyas Rejuso, 38, sa kasong homicide; Daryl, 27, sa kasong rape; at Gabriel, 25, para sa kasong attempted homicide.
Dahil sa panghahalay, lalaki inaresto
Oct 12, 2026
Police stations dapat malinis–NCRPO chief
Oct 12, 2026
Parangal natanggap ng Maynila
Oct 12, 2026
3 magkakaibigan binaril dahil pabalang sumagot, dedo
Oct 12, 2026
QCPD umaksyon: 18 huli sa 1-day warrant ops
Oct 11, 2026

