Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Taiwanese Source: TVBS News

Lopez: Driver na mahuhuling nangingikil ng pasahero huhulihin

Jun I Legaspi Mar 9, 2026
271 Views

MARIING pinaalalahanan ni Transportation Secretary Banoy Lopez ang mga driver ng pampublikong sasakyan na tigilan ang pangingikil at pananamantala sa mga pasahero, lokal na residente man o banyagang turista, sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.

Sa isang post sa social media, ibinahagi ang naging karanasan ng ilang turistang Taiwanese kung saan ang siningil umano sa kanila ng driver ay umabot sa P9,600 sa halip na P500 lamang mula sa NAIA patungo sa kanilang destinasyon sa Maynila.

Ipinag-utos na ng transport chief sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na paghuhulihin ang sino mang drayber na mahuhuling nanloloko’t nananamantala sa mga pasahero.

Maaari ding suspendihin o kanselahin ang prangkisa ng mga transport operators. Dagdag ding kautusan ni Secretary Lopez sa LTFRB, sampahan ng kasong kriminal ang mga mahuhuling nananamantala.