Garafil

Petisyon sa taas-pasahe posibleng ilabas sa Setyembre

221 Views

POSIBLE umanong ilabas na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Setyembre ang desisyon nito kaugnay ng mga petisyon para sa pagtataas ng pamasahe.

Ayon kay LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil natanggap na ng ahensya ang posisyon ng National Economic and Development Authority (NEDA) kaugnay ng mga petisyon.

Sinabi ni Garafil na tinitimbang pa kung magkano ang dapat na itaas ng pasahe bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo partikular ng diesel na siyang pangunahing ginagamit ng mga pampasaherong sasakyan.

Dagdag pa ni Garafil ang pagtaas ng pamasahe ay mayroong epekto sa inflation rate o ang bilis ng pagmahal ng mga bilihin.

Bukod sa jeepney, may nakabinbin ding petisyon sa LTFRB para sa pagtaas ng pasahe sa bus, UV express, at taxi.