Sandro1

Panukala para sa pagbigay ng sobrang pagkain sa food bank aprubado sa Kamara

Mar Rodriguez Mar 12, 2026
116 Views

INAPRUBAHAN na ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas na nag-uutos sa mga “food establishments” na i-donate ang mga sobra subalit ligtas kainin na “food products” nila sa mga akreditong food banks.

Sa pamamagitan ng botong 247 pabor, zero kontra at isang abstention. Opisyal ng nakapasa sa Plenaryo ng Kongreso ang House Bill No. 8043 o ang “Food Waste Reduction and Prevention Act.

Ang panukalang batas na ito, ipinaliwanag ni House Majority Leader at Ilocos Norte 1st District Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos ay naglalayong mahinto ang pagtatapon ng mga sobrang pagkain habang tinutulungan din nito ang mga pamilyang mahihirap na magkaroon ng maayos na pagkain.

Ayon kay Marcos, ang nasabing panukala ay isang praktikal na pamamaraan o tulay sa pagitan ng dalawang reyalidad sa maraming komunidad. Ito ay ang katotohanan na maraming pagkain ang nasasayang lamang at maraming Pilipino ang nakakaranas ng kakulangan sa pagkain.

“This bill makes donation the default path and helps food banks bring that food to families who need it most,” wika ni Marcos.

Dagdag pa nito na sinikap ng Kamara na makapag-balangkas ng isang panukala na may iisang layunin at social impact para sa isang praktikal na pamamahala kung saan ito ang isinusulong ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III.

Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Dy, ibinida pa ng kongresista na napanatili ng Kamara de Representantes ang mabilis na pagpasa ng mga repormang tumutugon sa mga pang-araw araw na reyalidad na napakaraming Pilipino ang nagugutom.

“Under Speaker Dy’s leadership. The House has kept a firm pace of passing reforms that speak to every realities and this bill shows how
smart policy can reduce waste, protect the environment and help put food on more tables,” sabi pa ni Marcos.

Sinabi pa ni Marcos na ipinapakita pa ng HB No. 8043 kung papaano mababawasan ang basura, mapo-protektahan ang kalikasan at makakatulong sa pagpapakain sa maraming tao sa pamamagitan ng makataong pamamaraan.