JV

Sen. JV: Cheaper transport cost, remote work ipatupad

152 Views

HINIMOK ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang gobyerno at pribadong sektor na palawakin ang remote work, palakasin ang pampublikong transportasyon, at suportahan ang mas murang mga opsyon sa pagbiyahe upang maibsan ang posibleng dagdag-pasanin sa mga Pilipino dala ng diamaan sa Gitnang Silangan.

“The Philippines is highly vulnerable to global oil price shocks because we import most of our fuel.

Sa kasalukuyang tensyon sa Middle East, mararamdaman agad ito ng ordinaryong Pilipino, partikular na sa pamasahe, sa presyo ng pagkain, at sa pang-araw-araw na gastusin,” sabi ni Ejercito.

Kabilang sa mga hakbang na isinusulong ang pagpapalawak ng work-from-home arrangements, pagbibigay-prayoridad sa pampublikong transportasyon at bike-to-work programs.

“Companies may also explore cluster reporting or rotating team schedules to lessen congestion and transportation demand,” sari ng senador.

Binanggit din ni Ejercito ang Senate Bill No. 1739, na naglalayong palawakin ang saklaw ng RA 11165 (Telecommuting Act) upang higit na maisulong ang remote work arrangements sa bansa.

Layunin ng panukalang amyenda na palawakin ang telecommuting coverage sa mga kwalipikadong empleyado sa pampubliko at pribadong sektor, magpatupad ng output-oriented work arrangement para sa mga eligible na posisyon, at magbigay ng buwanang non-taxable telecommuting allowance sa mga manggagawang saklaw ng programa.

Binigyang-diin din niya ang pangangailangang bigyang-prayoridad ang pampublikong transportasyon kung magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng langis, aniya, makatutulong ito upang mabawasan ang pagdepende sa pribadong sasakyan at maibsan ang pasanin ng mga commuter.

“We should strengthen and prioritize public transport so more Filipinos can move efficiently without being overly affected by rising fuel prices,” aniya.

Si Ejercito, na ipinagmamalaking nagbibisikleta rin siya papasok sa trabaho, ay nanawagan din ng pamumuhunan sa active mobility infrastructure, kabilang ang mas ligtas na bike lanes at pedestrian facilities.

Muli rin niyang isinusulong ang agarang pagpasa ng Senate Bill No. 5, na naglalayong awtomatikong isuspinde ang excise taxes sa mga produktong petrolyo.

Sa ilalim ng panukala, isususpinde ang excise tax sa regular gasoline, unleaded premium gasoline, at diesel fuel oil kapag ang average Dubai crude oil price batay sa Mean of Platts Singapore ay umabot o lumampas sa $80 kada bariles.