LTFRB SourceL LTFRB FB

Pamasahe sa jeep, bus tataas

Jun I Legaspi Mar 16, 2026
283 Views

APRUBADO na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang dagdag-pasahe sa mga public utility jeeps at buses.

Ayon kay LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II, iaanunsiyo ng ahensiya ang halaga ng dagdag-pasahe sa Marso 17.

“Yung pagtataas, sigurado na po ‘yun. ‘Yung amount, ayan ang kailangan pa namin i-justify kay DOTr Secretary Giovanni Lopez,” sabi ng LTFRB chairman.

Ayon kay Mendoza, dumaan sa masusing pag aaaral ng mga transport leaders ang isyung ito para maging katanggap-tanggap as lahat ng sektor, lalo na sa mga pasahero.