Calendar
Sen. Win nanawagan ng pagkakaroon ng CCTVs sa mga schools
ITINUTULAK ni Sen. Sherwin Gatchalian ang paglalagay ng closed-circuit television (CCTVs) sa mga paaralan upang mapigilan ang bullying at karahasan.
Sinabi niya na ang CCTV systems ay isang mahalagang elemento sa mga paaralang may mababang bilang ng kaso ng bullying.
Ginawa ni Gatchalian ang panawagan sa pagdinig ng Senate Committee on Basic Education noong Lunes kung saan tinatalakay ang lumalalang problema ng bullying sa mga paaralan ng Pilipinas.
Sinabi rin niya na dapat suriin ng Senado kung paano matutulungan ang mga paaralan na gamitin ang kanilang Maintenance and Other Operating Expenses funds sa pagkuha ng mga CCTVs.
“This (bullying) has been a problem for a long time and there is a real need to discuss the reforms being undertaken by the Department of Education and the community on how to reduce, eliminate and prevent bullying in our schools,” wika ni Gatchalian.
