Batangas

Parak-Batangas sumailalim sa proactive inspection

281 Views

Batangas1

SINURI ng Regional Internal Affairs Service (RIAS) 4A, na pinangunahan ni P/Col. Ruel Ferrer, sa pamamagitan ng proactive inspection ang mga pulis sa Batangas noong Huwebes sa Kampo Heneral Miguel Malvar, Batangas City.

Ang inspeksyon sa mga pulis sa pamumuno ni P/Col. Marlon Rufo, provincial director, ay nakatuon sa auditing ng mga tauhan ng PNP para malaman kung sumusunod sa tamang bihis program ng PNP.

Kasama rin sa aktibidad ang inspeksyon ng mga baril, Philippine National Police (PNP) IDs, Landbank ATMs, at ‘GO Bags’ upang matiyak na ang lahat ng tauhan ay nakahanda para sa agarang pagtugon sa emerhensiya.

Binigyang-diin ni Col. Ferrer ang kahalagahan ng “back-to-basics” na disiplina, partikular sa mahigpit na pagsunod sa “LOI Tamang Bihis” at mga pamantayang protokol.

Binigyan din niya ng kahalagahan ang pagsunod sa mga Police Operational Procedures at ang mahalagang papel ng RIAS 4A.

Ang inisyatibong ito ay pangako ng RIAS 4A at ng pamunuan ng Batangas PPO na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng propesyonalismo, integridad at kahusayan sa serbisyo.