Martin1

ICI inabswelto si ex-Speaker Romualdez sa flood control mess

Mar Rodriguez Mar 20, 2026
263 Views

INABSUWELTO ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa pananagutan si dating House Speaker at Leyte 1st district Rep. Ferdinand Martin Romualdez sa kontrobersyal na multi-bilyong pisong flood control project, ayon kay TINGOG Party List Rep. Jude .

Ayon kay Acidre, nilinis ng ICI ang pangalan ni Romualdez matapos walang makitang ebidensya para patunayan ang pagkakasala ng dating House Speaker.

Mismong ang ICI na ang magpapatunay na walang malinaw na ebidensya para isangkot si Romualdez sa flood control scandal batay sa maling akusasyon ng mga naglutangang testigo.

Ang pahayag ni Acidre ay sagot sa mga pahayag ni Navotas City Rep. Tobias “Toby” Tiangco para lituhin ang publiko kaugnay sa mga naging alegasyon nito sa impeachment hearing ng House Committee on Justice.

Gamit ang mismong pahayag ng mga miyembro ng ICI, pagbibigay diin pa ni Acidre na ang mga akusasyon na nag-uugnay kay Romualdez sa anomang katiwalian na may kinalaman sa flood control scam walang batayan sa referral ng ICI.

“The ICI referral itself, signed by retired Supreme Court (SC) Justice Andres Reyes, explicitly states that” “This referral is issued without any finding or conclusion of guilt on the part of Former Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez,” ayon kay Acidre.

Binatikos ng kongresista ang mga maling statement na inilabas ni Tiangco na di-umano’y inirerekomenda ng ICI ang pagsasampa ng kasong plunder laban kay Romualdez.

“That is not interpretation. That is the Commission’s own language,” ayon kay Acidre

Iginigiit pa ni Acidre na hindi dapat magpadalos-dalos si Tiangco sa pagbibigay ng mga maling pahayag na ang layunin lamang nito ay lituhin ang publiko.

Binanatan din ng Party List congressman ang pahayag ni Tiangco na sinilaw at inalok ng tulong at project allocations mula sa gobyerno ang mga mambabatas na susuporta sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

“Rep. Toby Tiangco should stop misleading the public. Serious allegations require serious proof. Not hearsay, not secondhand claims and certainly not tsismis dressed up as fact,” sabi pa ni Acidre.