Sulyog Fest

Sulyog fest nagpakita ng diwa ng kultura

Helen D. Prado Mar 21, 2026
121 Views

ORIENTAL Mindoro–Ipinagdiriwang ang Sulyog Festival sa bayan ng Bongabong ng lalawigang ito at tampok ang makukulay na kasuotan, street dancing at ang competition sa Eastern Mindoro College.

Ang Sulyog Festival ay pagtatanghal ng papuri at pasasalamat ng mga mamamayan ng Bongabong sa masaganang ani ng saging at niyog.

Simbolo ito ng lakas ng kanilang pananampalataya, pagkakakilanlan at patuloy na pagmamalaki sa kanilang kultura.

Dumalo si Gov. Bonz Dolor sa okasyon at nagpahayag ng matibay at buong suporta sa mga mamamayan ng Bongabong.

Nagkaloob si Gob. Dolor ng P1 milyon para sa unang dalawang contingents, ang Dayhagan National High School (DNHS) at Morente NHS (MNHS), at 6-classroom project sa Mindoro State University-Bongabong campus.

Nagkampeon ang DNHS at tumanggap ng P110,000 premyo, pumangalawa ang MNHS na tumanggap ng P100,000 at pangatlo ang MinSU-Bongabong campus at nagkamit ng P90,000.

Sinaksihan ni Sen. Mark Villar, Board Member Roland Ruga at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang okasyon.