Calendar
Laguna pinalawak mga programa sa mga tao
PINAGTIBAY ng Laguna ang pagpapalawak ng mga programa para sa mamamayan sa pamumuno ni Gov. Sol Aragones at Justina Garcia, RL.
Dinaluhan ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan ang mahahalagang update sa kalusugan, tulong panlipunan at ang tagumpay ng katatapos na Anilag Festival Level Up 2026.
Ipinarating ni dating Luisiana Vice Mayor Luibic Jacob ang mensahe ng Gobernador at nagpasalamat sa Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO),
“Noong nakaraang linggo bagamat tayo po ay naging abala sa Anilag Level Up 2026, nais po pasalamat ng ating minamahal na Gov. Sol Aragones sa Department ng PSWDO sapagkat sa kabila ng pagiging abala, patuloy po ang pagbibigay ng tulong ng department na ito para sa medical and burial assistance.”
Ibinahagi rin ni Jacob na bubuksan sa March 30 ang natitirang anim na bayan sa ilalim ng programang Akay ni Gob Botika na siyang kukumpleto sa 24 na munisipalidad at anim na lungsod sa Laguna.
