Laguna

Lab for All Program naghatid ng libreng serbisyong pangkalusugan sa Santa Rosa

Roy Tomandao Mar 25, 2026
115 Views

SANTA ROSA CITY, LAGUNA — Matagumpay na isinagawa ang programang “Lab For All: Laboratoryo, Konsulta at Gamot Para sa Lahat” noong ika-24 ng Marso 2026 sa City of Santa Rosa Multi-Purpose Complex, na nagbigay ng libreng serbisyong pangkalusugan sa daan-daang mamamayan ng lungsod.

Pinangunahan ang aktibidad ni First Lady Liza Araneta-Marcos, katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, ang Pamahalaang Lungsod ng Santa Rosa, at mga pribadong katuwang, upang mailapit sa komunidad ang mahahalagang serbisyong medikal, lalo na sa mga nangangailangan.

Kabilang sa mga dumalo at sumuporta sa programa sina City Mayor Arlene B. Arcillas, Vice Mayor Arnold B. Arcillas, Lone District Representative Roy Gonzalez is current rep; PAO Atty. Rueda Acosta (Assistant Secretary, Department of Health), at Dr. Teodoro J. Herbosa (Secretary, Department of Health).

Layunin ng Lab For All na maghatid ng komprehensibong serbisyong medikal kabilang ang libreng laboratory services, medical consultation, at pamamahagi ng mga kinakailangang gamot. Ito ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng pambansang pamahalaan na gawing mas accessible ang serbisyong pangkalusugan sa bawat Pilipino.

Sa mensahe ni Mayor Arlene Arcillas, binigyang-diin niya ang kahalagahan ng ganitong mga programa sa pagpapalakas ng kalusugan ng komunidad at pasasalamat sa pambansang pamahalaan sa patuloy na suporta sa mga lokal na inisyatiba.

Ang matagumpay na pagsasagawa ng programang ito ay patunay ng sama-samang pagkilos ng pamahalaan at mga katuwang nito upang tiyakin ang mas malusog at mas maayos na kinabukasan para sa bawat mamamayan.