Calendar
Tinanggap ni Gov. Aragones ang susi ng dalawang ambulansiya na ipinagkaloob ng Pangulo.
2 ambulansiya itinurn over ni PBBM sa Laguna


PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes, Marso 27, 2026, ang pormal na turnover ng dalawang ambulansya o patient transport vehicles sa Laguna, bilang bahagi ng patuloy na pagtutulungan ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan upang palakasin ang agarang pagtugon sa mga agarang medikal at mapabuti ang paghahatid sa mga pasyente sa pagamutan .
Tinanggap ni Gobernadora Sol Aragones ang mga nasabing ambulansya bilang bahagi ng patuloy na pagsisikap ng lalawigan na mapahusay ang mabilis na pagresponde sa mga pangangailangang medikal. mapabuti ang sistema ng transportasyon ng mga pasyente.
Kasama rin si Mayor Ross Rizal ng Lungsod ng Calamba, na nagpahayag ng buong suporta sa inisyatiba, at binigyang-diin ang kahalagahan nito sa pagpapabilis ng pag-abot ng tulong medikal, lalo na sa mga oras ng agarang pangangailangan.
Tiniyak naman na malaki ang maitutulong ng mga bagong ambulansya sa pagpapabilis ng pagresponde, pagsuporta sa mga lokal na pasilidad pangkalusugan, at pagdadala ng mga pasyenteng nangangailangan ng agarang atensiyong medikal patungo sa mga ospital at health facilities.
Ang inisyatibang ito ay patunay ng pinagsamang layunin nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Gobernadora Sol Aragones, na nagpapakita ng mas pinatatag na ugnayan ng pambansang pamahalaan at Pamahalaang Panlalawigan ng Laguna tungo sa mabilis, maaasahan, at mas maayos na pangangalagang pangkalusugan para sa mamamayan.
